. |
Disyembre 2009 Masaker sa Maguindanao
Warlord, Clan Wars at
Kapitalistang Paghahari sa Pilipinas Mga miyembro ng Philippine National Police at ang ilan sa mga nahukay na katawan sa masaker sa Maguindanao, Nobyembre 23. (Kuha ni: Rolex dela Pena/European Press Photo Agency) Noong
Nobyembre 23, 57 katao kasama na ang mga kababaihan at mamahayag ang
minasaker
sa Barangay Saniag, sa Maguindanao, Mindanao . Kasama sa mga
pinatay
ay ang asawa ng Meyor ng Buluan, na si Ismael (Toto) Mangandadatu, at
iba pang
kamag-anak nitong babae. Ang mga ito ay papunta sana sa opisina ng
Commission
on Election (Comelec) upang maghapag ng Certificate of Candidacy para
kay mayor
Mangundadatu para sa gobernador ng Maguindanao. Kasama sa mga pinatay
ay ang 18
journalist na magko-cover sana sa nasabing aktibidad. Bandang alas-10 y
medya
ng sila ay harangin ng higit-kumulang na 100 pulis at armadong sibilyan
na
pinangungunahan ni Datu Andal Ampatuan Jr, mayor ng Datu Unsay at anak
ng
gubernador ng Maguindanao na si Datu Andal Ampatuan Sr. Ang buong
convoy ay
kinidnap, pinagpapatay at isa-isang inilibing. Maging ang mga sasakyan
ng mga
biktima ay inilibing ng nasabing armadong grupo upang maitago ang mga
ebidensya. Ang
karumal-dumal na mga retrato ng mga biktima na tila Killing
Fields
ay nagdulot ng matinding pagkagulat at pagkatakot sa buong bansa. Ito
ang
pinaka-matinding election-related na masaker at pinaka-maraming
mamamahayag na
nasawi sa isang insidente sa kasaysayan ng
Pilipinas. Ang
walang-awang pagpaslang ng mga biktima ay kaagad na itinuro sa mga
Ampatuan ng
mga eyewitness na sa huling sandali ay hindi sumama sa convoy ng araw
na iyon. Sa
umpisa, nananahimik ang Malakanyang sa pangyayari. Lumipas ang ilang
araw
walang inaresto. Ito ay dahil sa ang mga Ampatuan ay hindi lang
kapartido ni
Arroyo, subalit sila mismo ay responsable sa pag-deliver ng mga boto
upang
manalo ang buong tiket ni Arroyo noong eleksyong 2004. Matatandaan ang
“Hello
Garci” na phone call recordings ni Arroyo na ini-leak sa midya,
pinangakuan ni Virgilio
Garcillano, na noo’y isa sa mga Comelec Commissioner sa Mindanao, na
sigurado
na ang Maguindanao. At hindi nagkamali si Madam President: mahigit sa
140, 000
sa tinatayang 1 milyong botong lamang ng tiket ni Arroyo ay nanggaling
sa Maguindanao
(“The Ampatuans, the Military and Elections in Maguindanao: The Ties
That Bind,” Bulatlat,
Disyembre 14). Kalaunan, sumuko si Ampatuan Jr, upang mabuhusan ng
tubig
na malamig ang nagbabagang galit ng mga tao. Subalit
kung tutuusin, habang tinawag na mga “halimaw” ng mga pulitiko ang
gumawa ng
masaker, at naglipana ang mga investigative reports tungkol sa
warlordism sa
Mindanao, ipinakita ng nasabing insidente kung gaano kalalim ang
kuneksyon ng
pambansang pulitikal na dinastiya ni Arroyo sa mga warlord sa Mindanao
tulad ng
mga Ampatuan na pinamamahalaan ang buong Autonomous Region of Muslim
Mindanao
(ARMM) ng kamay na bakal noon pang 2001, “bilang lolo, ama, tiyuhin at
biyenan
ng higit-kumulang 10 mayor, vice-mayor, at iba pang lokal na opisyal sa
probinsya” (Newsbreak, Nobyembre 26). Iniluklok
si Ampatuan Sr. ng nakalipas na pangulo, at kinapipitagan ng uring
burgesya at
ng simbahan na si Cory Aquino. Ang nasabing hal;imaw ay tao ni
Cory.
Dagdag pa, habang matinding kaaway ng mga Ampatuan ang mga Mangandadatu
sa
Maguindanao, malapit na alyado naman ni Arroyo ang mga Mangandadatu na
nagpapatakbo ng katabing probinsya ng Sultan Kudarat. At dahil nga
malamang dito, at sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga kababaihan sa
convoy, upang
mai-file ang kandidatura ni Toto Mangundadatu, kasama ang sang rekwang
mamamahayag upang i-record ang pag-file ng kandidatura, tingin ng mga
biktima,
safe sila. Nagkamali ang mga ito. Dahil
hindi mapatatahimik ang isyu, iniutos ni Arroyo noong Disyembre 5 ang
paghuli
upang “taunungin” sina Ampatuan Sr. at idineklara ang buong Maguindanao
sa
ilalim ng batas-militar. Nagbigay daan ito upang kumilos ang militar
upang
mangaresto ng walang warrant at ibalik ang kaayusan, batay na mismo kay
Eduardo
Ermita, na pinatatakbo ang Malakanyang sa ilalim ng palda ni Arroyo.
Humigit-kumulang 4,000 na kasapi ng AFP (Armed Forces of the
Philippines ) ang
lumusob sa Maguindanao. Nadiskubre ng mga ito ang libo-libong mga armas
sa mga
lupang pag-aari ng mga Ampatuan na kayang armasan ang isang Brigada ng
mga
sundalo. Dagdag pa, ang mga nasabing armas ay pag-aari ng Kgawaran
National
Defense. Nakakagulat hindi ba?! Alam naman ng lahat na ginagamit ang
mga
Ampatuan ng AFP upang durugin ang mga MILF (Moro Islamic Liberation
Front) sa
ARMM, na matapos ang ilang taong nagosasyon at dayalugo, bigla-biglang
ibinasura ng gobyerno ang isang agreement upang kilalanin ang
“ancestral
domain” ng mga Muslim at muling inilunsad ang digmaan sa Mindanao
(basahin ang
artikulong “Philippine
Government Launches New War on Muslim Groups” The
Internationalist, Septyembre 2008). Sa
isang tila-aparisyon ng Vietnam War, pinuwersa ng AFP ang humigit
kumulang 750,
000 na katao na manatili sa mga refugee camp. At matapos nga ang
mahigit isang
taon ng brutal na kampanya at pagdurog sa mga MILF sa tradisyunal na
rehiyon ng
mga Muslim, nanatili ang 300, 000 na mga refugee, takot na bumalik sa
kani-kanilang tahanan sa takot na madamay muli sa opensibang militar ng
AFP.
Hanggang noong Nobyembre 25 na masaker, ang mga Ampatuan ang
pangunahing pulitikal
na kaalyafdo ni Arroyo upang pagharian ang populasyong Bangsamoro sa
Mindanao .
Dagdag pa ang 600 na pwersang Amerikano na kumikilos kasama ang AFP,
batay na
rin sa report ng New York Times noong Nobyembre 23 bago ang
masaker.
Ang Visiting Forces Agreement para sa Joint Special Operations Task
Force Philippines
ay muling ni-renew sa taong ito ng bagong adinistrasyong Obama sa
Washington .
At batay na rin sa isang litrato ng Philippine Daily
Inquirer noong
Agosto 9, 2008 ng isang Amerikanong sundalo na nasa ibabaw ng isang
Armored
Personnel Carrier sa Zamboanga City hawak-hawak ang isang placard na
“no sign
of leaving after 6 years” (pampito na ngayon), talaga naming palawig ng
palawig
ang pagbisita ng mga Amerikanong tropa! Nakakasiguro tayo na mga ang
mga
Tropang Kano ay nakakonekta sa mga milisya ng mga warlord, kagaya ng sa
Afghanistan
. Ang
Liga para sa Ika-Apat na Internasyonal ay nananawagan sa internasyunal
na
kilusang manggagawa, lalo na sa Estado Unidos (US), na manawagan para
sa imidyit
na paglayas ng tropang Kano at mga ahente sa Pilipinas. Ang mga
Pilipinong
manggagawa ay kanakailangang kumilos upang pwersahin ang mga
tropang Kano
upang lumayas, tulad ng pagpapalayas sa Clark Air Force Base at Subic
Naval
Base na ginamit noon upang maging staging areas para sa Vietnam War.
Patuloy na
makipaglaban para sa demokratikong karapatan upang labanan ang martial
law sa Maguindanao.
Ang hustisya ay hindi makakamit kahit na manghuli ng manghuli ng walang
warrant
ang mga militar. Ang martial law sa Maguindanao ay maaaring gamitin
lang bilang
precedent sa iba pang parte ng bansa upang magkaroon di-umano ng
control sa
saguridad sa darating na 2010 elections, at maging ang posibilidad na
i-postpone ang eleksyon at panatilihin si Arroyo sa Palasyo. Maraming
maaaring
mangyari na kagagawan ng mga iba’t-ibang pwersa na magbibigay-daan sa
nasabing
pag-impose ng kamay na bakal. Dagdag pa, kinakailangang kumilos ang mga
manggagawang Pilipino upang pwersahin ang paglayas ng AFP sa
Mindanao at
depensahan ang mamamayang Bangsamoro at ang kanilang karapatan para sa
sarilking pagpapasya. Political
Warlordism at Clan Wars sa Serbisyo ng Kapital Matagal
nang umiinog ang mga Political Warlords sa ating bansa, hindi lang sa
Mindanao.
Hindi lamgang simpleng pamana ng nakaraang pyudalistang nakaraan o kaya
naman
ng mga Kastilang Gubrnador o ng mga Muslim na sulatan. Ang penomenang
ito
kasama na ang mga private army ay pinakalat, pinatatag ng diktaduryang
Marcos
noong 1970’s. Iba-iba nga ang naging mga hitsura nito. Ang mga sugar
baron sa Negros
at Bisaya, mga panginoong maylupa at logger barons sa Cordillera, ang
mga
Cojuangco sa Tarlac o kaya naman’y ang mga Marcos sa Ilocos Norte.
Ang
Warlordismo ay nagkalat sa Mindanao dulot na rin ng pagbuhos ng
gubyerno ng mga
tao sa Mindanao upang ipasailalim ang Muslim na populasyon. Inalagaang
maigi ni
Arroyo ang mga warlord sa Mindanao , tulad ng pag-aalaga ni Cory Aquino
noong
siya ay president. Ang mga warlord at mga private army ay sa
esensya mga
simptomas ng pagkabulok ng kapitalismo sa mala-kolonyal na
bansang
ito kung saan rehi-rehiyon ang tinutulak sa pagkapulubi at
kinakailangan ng
burgesyang estado ang isang auxiliary force upang mapanatili ang
“kaayusan” –
lalo na sa mga lugar ng Bangsamoro na inuokupa ng mga militar. Sa
Isang banda, as usual, sinagot ng iba’t-ibang maka-kaliwang grupo ang
masaker
sa pagtuturo sa sistema ng trapo (traditional politics), na pinapakita
ang
dominasyon ng mga warlord sa kanilang kinasasakupan. Sabi nga ng bagong
partido
ni Sonny Melencio na Partido Lakas ng Masa (PLM) sa isang statement,
“Justice
for the Maguindanao Heroes! End Trapo Politics Now!” na ang walang
kapararakan
na paghahari ng mga pamilya na kumukontrol sa pulitikal na
establisyemento ay
permanenteng katangian ng pulitika sa bansang ito. Ito ang marka ng
pulitikang
trapo.” Oo totoo nga, pero ano ang ibig sabihin ni Melencio?
Kapag
nanawagan ito ng “pagtatapos ng paghahari ng elite at pagtatayo ng
gobyerno ng
masa,” ang esensya nito ay ang modelo ng “sosyalismo” ni Hugo Chavez na
inaalagan ang mga sakim na “burgesyang Bolivarian.” Pilit na iniiwasan
ni
Melencio (na isang Pilipinong sosyal-demokrata) ang tunggalian ng
mga uri,
lalo na ang sosyaistang reboilusyon na pangungunahan ng mga
manggagawa kasama ang mga pesante at mamamayang inaapi. Ang
“pinapangako sa
tubig” ni Melencio na demokratikong programa na di-umano puputol sa
paghahari
ng mga elite, ay malulunod lamang dahil na rin ang sinasabing programa
ni
Melencio ay naka-ugat pa rin sa kapitalismo. Tinuligsa
naman ng Communist Party of the Philippines (CPP) at National
Democratic Front
(NDF) ang nakakasukang masaker sa Maguindanao, ang pagtutol sa Martial
Law,
habang dinadagdag ng mga ito ang pagkakasangkot ng imperyalismong U.S.
Pero
patuloy ang paghahanap ng mga ito ng pag-asa para makapag-buo ulit ng
isang
kilusang “Oust Gloria” sa galit sa nasabing masaker. Sa katunayan, sa
nakaraang
mga buwan ang kampo ng mga Stalinistang “natdem” ay nagkukumahog na
makipag-deal sa kung sino-sinong trapo laban kay Arroyo! Noon ngang
tag-sibol
ibinalita nina Satur Ocampo (dating NDF leader at kasalukuyang lider ng
Bayan
Muna party list) at Lisa Maza (tagapag-salita at lider ng Gabriela) ang
pagtatayo ng Makabayang kowalisyon para sa darating na Eleksyong 2010.
Ani nga
nila, “Ito ay pulitika ng tunay na pagbabago…pulitikang mula sa masa,”
ito daw
ay maninindigan para sa patriotismo, damokrasya, karapatan at
kagalingan ng
bayan. Kasabay niyan, sinabi ng sagad-sagaring trapo na si
Rep. Jose
de Venecia na kinakailangang magkaroon ng isang “kowalisyon ng mga
sentrista at
Makabayan.” (Left-wing Groups Unveil New Party Coalition, Inquirer.net,
Abril
16) Malinaw
ang pakahukugan ni Ocampo sa pakikipag-kowalisyon sa mga “sentrista”
kamakailan
ng mag-shopping siya ng kandidato para sa pagka-presidente. Pinagyabang
pa nga
ng pakner nitong si Bayan Muna Representative Teddy Casino na “may
sigurado
kaming boto na higit-kumulang 3 milyon” (Philippine Daily Inquirer, 13
Nobyembre). Sinubukang
kumabit at makipag-bargain kay Noynoy Aquino pero tila tinik ang isyu
ng
Hacienda Luisita, bagamat mayroon silang kumon na kalaban sa katauhan
ni
Arroyo. Hindi pumapayag ang mga Aquino na ipamahagi ang lupa na naayon
sa
panawagan ng mga magsasaka sa ilalim ng Agrarian Reform. Nang pumalpak
ito,
sinubukan ng Makabayan na makipag-alyansa kay Manny Villar, kandidato
ng
Nacionalista Party (NP). Pero nakipag-alyansa si Villar kay Rep.
Bongbong
Marcos, anak ng dating diktador na si Ferdinand Marcos (Phillipine Daily Inquirer,
22 Nobyembre). Pero sa kabila ng “delikadong posisyong” ito, noong
Disyembre 14
pumasok pa rin si Ocampo at Liza Masa bilang “guest candidate” ng NP
bilang mga
Senador! Ang siste nito, baka pati ang “pulitikal na linyang
pangkampanya ng
Nacionalista Party ay dadalhin na rin nila! Ang
mga Political Warlord, awayang magkakamag-anak tulad sa kaso ng mga
Ampatuan,
mga Trapo, at iba pang katangian ng pulitika sa Pilipinas ay hindi
simpleng mga
gasgas o bungang araw na madaling pagalingin o tanggalin ng mga
demokratikong
cosmetic surgery. Hindi rin ito simpleng mga minana sa kasaysayan o
tradisyon.
Ito ay mga esensyal na katangian ng kapitalistang paghahari sa isang
mala-kolonyal na bansa at HINDI BASTA-BASTA, sa imperyalistang
kapanahunan, na
maibabagsak ng isang klasikong burgis na rebolusyon kung hindi
mapapatalsik ang
paghahari ng burgesya. Hindi tatanggapin ng kahit na pinaka-liberal na
panginoong maylupa-kapitalista ang Agraryong Rebolusyon, tulad ng
ipinapakita
ng mga Cojuangco-Aquino sa Hacienda Luisita Massacre. Para magsalita ng
demokrasya matapos ang Maguindanao Massacre kahit pa magsama-sama ang
mga
“progresibong” pulitiko at mga trapo upang maresolba ito –ay tila
paglalagay ng
asin sa sugat. Lalong hindi matatapos ang usapin ng Pambansang
Liberasyon
habang mayroong mga sundalong Kano na “namamasyal” sa Mindanao at
“nag-aadvice
sa mga tropang Pilipino kung paano durugin ang mga rebeldeng Moro –
tulad ng
pagmasaker ng mga U.S Marine sa Jolo noong 1906 ng 900 na mga Moro na
lumalaban
para sa independensya ng Pilipinas. Sa Pilipinas ang mga masaker ang
nagbubulatlat ng katotohanan. Lahat
ng ito ay nangangailangan ng pag-agaw ng kapangyarihan ng mga
manggagawa, na
sinusuportahan ng mga mahirap na magsasaka at mga inaaping mamamayan at
sektor.
Ito ang hindi kayang gawin at hindi gagawin ng mga Stalinista at mga
sosyal-damokrata dahil naka lubog ang mga ito sa walang katapusang
pakikipag-kowalisyon at alyansa sa mga burgis na partido at pulitiko na
oposisyon ng rehimeng Arroyo. Kinakailangan ang pormasyon ng isang
rebolusyonaryong partido ng proletaryong banggardo, isang Lenninistang
partido
na nakabatay sa Trotskyistang perspektiba ng permanenteng rebolusyon.
Ang
ganitong partido, na malaya sa lahat ng pwersang burgis, ay lalaban
upang
pabagsakin ang mga warlord, mapalayas ang mga tropang Kano sa Pilipinas
at
konsistent na ipaglalaban ang mga Bangsamoro at ang kanilang
pakikipaglaban
para sa sariling pagpapasya. Ito ang programa ng Liga para sa Ika-Apat
na
Internasonal. ■ 1 Basahin ang “Presidential Crisis in the Philippines,” The Internationalist Blg. 22, Setyembre-Oktubre 2005. 2 Basahin ang “Massacre
of Sugar Plantation Workers
in the Philippines,” The
Internationalist Blg. 21, Summer 2005. 3 Basahin ang “The Class War In Southeast Asia,” The Internationalist Blg. 17, Oktubre-Nobyembre 2003. To contact the Internationalist Group and the League for the Fourth International, send e-mail to: internationalistgroup@msn.com |
|